May 17, 2024

BARANGAY HEALTH WORKER TODAS SA TRICYCLE

Patay ang isang barangay health worker matapos mabangga ng tricycle habang tumatawid ng kalsada sa Lemery, Batangas.



Base sa kuha ng CCTV camera, nabangga ang worker at kinaladkad ng tricycle.

Ayon sa ulat, dinala ang hindi pa nakikilalang biktima sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Nakapiit na sa kulungan ang nasabing tricycle driver.