April 24, 2024

BARANGAY GINEBRA HOME COURT, BINUKSAN SA VALENZUELA, MGA FORMER PLAYERS, NAGLARO

Natuwa ang mga fans ng Barangay Ginebra sa isinagawa nilang laro sa Paso de Blas sa Valenzuela City. Opisyal na kasing binuksan ang ‘Artlogo-Basketball Court ng Ka- Barangay doon.


Kaya naman, bilang bahagi ng opening, naglaro ang mga dating players ng Ginebra. Na ang iba ay mga PBA legends na.


Kabilang na rito sina Marlou Aquino, Allan Caidic, Willie Miller at Pido Jarencio.Kasama rin si Noli Locsin, Bal David at iba pa. Masaya naman ang mga taga-Valenzuela sa kanilang nasaksihan. Nag-enjoy sila sa panonood ng laro ng mga dating player ng ‘never say die team’. Ang nasabing court ay magsisilbing praktisan at laruan ng mga players nito.


Ang gumawa ng art logo ng basketball court si Percival Denolo. KIlala rin sila sa bansag na ‘ The Mud Artists’ at isa ring illustrator sa dyaryo at komiks.