HANDA nang tuparin ang misyon ng Davao Occidental Tigers Cocolife na maduplika ang kampeonato at maipagpatuloy ang winning tradition ng koponan partikular sa larangan ng basketball.
Magugunitang nakopo ng Tigers ang kanilang Pilipinas Super League men’s basketball kung kaya ay marubdob na ang kanilang preparasyon sa pagsabak ng koponan sa parating na PSL Pro Winzir Men’s Second Conference na sasambulat sa Nobyembre 10.
Ang kampeong koponan mula Mindanao ni team owner Cong.Claude Bautista ang siyang team to beat ngayon sa ligang inorganisa nina Pres. Rocky Chan, Vice Ray Alao katuwang sina Commissioner Mark Pingris, Deputy Chelito Caro at Basketball Operation head Leo Isaac.
Ang Tigers na suportado rin nina Cocolife Pres. Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque, ay babanderahan ng beterano at reliables na sina Bonbon Custodio, Emman Calo, Marco Balagtas, shooter John Wilson, MVP Gab Dagangon, Paolo Hubalde at new kids on the block na sina back up shooter Airness Alao, Niño Ibañez, James Abungan at dagdag- pointguards na sina Diego Dario at Alvin Abundo. Intact din sina Keith Agovida, Datyl Goloran at Larry Rodriguez habang ang isa sa main Tiger na si Robie Celis ay nagpapagaling ng kanyang injury. Malakas din ang homegrown na sina Cloyd Casas, Dave Arana.
Head coach si Arvin Bonleon at assistant sina Manu Inigo, Jerwin Gaco, Jose Presbitero at Don Dulay. Bukod sa presentor na Winzir, ang PSL2 ay itinataguyod ng La Filipina Corned Pork ang Luncheon Meat, Amigo Segurado Pasta and Sauce, Unisol, Wilson, Wcube Solutions, Inc., Adcon at Hotel Sogo.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA