May 21, 2024

BANE AT HALLIBURTON, WAGI SA CLOROX CLUTCH CHALLENGE

Wagi ang duo nina Desmond Bane at Tyrese Halliburton sa 2022 NBA Clorox Clutch Challenge. Winalis ng dalawa ang 3 pang pares sa nasabing event. Nagtala ang cager ng Memphis Grizzlies at Indiana Pacers ng 39.7 seconds upang hablutin ang tropeo.

Sa nasabing competition, kailangang mabuslo ng bawat pares ang 5 spots. Na nagre-represent sa iconic shots sa NBA Playoffs.


Kabilang na rito ang ‘ top of the key’ni Charles Barkley at Ray Allen’s right corner 3. Gayundin ang Magic Johnson’s baby hook, Damian Lillard’s logo 3 at Reggie Miller’s right wing 3.


Naungusan ng dalawa ang naitalang 49.9 seconds nina Josh Giddey ng Oklahoma at Evan Mobley ng Cleveland Cavaliers. Si Giddey ay kabilang sa Team Worthy at sa Team Barry naman si Mobley.