Nagsalita si Miami Heat big man Bam Adebayo kaugnay sa trade humor. May sitsit kasi na iti-trade siya ng Heat kapalit ni Kylie Lowry ng Toronto Raptors.
Bukod sa kanya, nasa nakalista rin sa iti-trade ang ibang Miami players. Gayunman, walang magagawa ang all-star center kung mangyayari ito.
Aniya, bahagi ito ng buhay at dapat tanggapin.
“Everybody knows it’s business at the end of the day. I feel like there’s a lot of dudes that probably scrolling on social media. There’s probably a lot of extra weight that there should be,” saad ni Adebayo.
Kumalat ang sitsit hanggang sa Miami Herald ang tungkol sa trade humor. Ito’y pagkatapos matalo ng Heat sa Phoenix Suns, 110-100. Kung saan, nadagdag sa losing skid ng team.
Narinig din ng ilang Miami players na sina Tyler Hero, Duncan Robinson at Kendrick Nunn na nasa trade list sila.
Naging daan tuloy ito ng agam-agam at debate ng Heat fans. Huwag naman daw sana isama ang 21-anyos na si Tyler Herro.
Masasama kasi ito bilang package sa trade upang malambat si Lowry. Bukod sa Miami, interesado rin ang Philadelphia 76ers na kunin ang 35-anyos na point guard.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo