Ang Pelikulang Humubog sa Pagka-Pilipino Natin
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
PAGSAPIT ng Setyembre ay Buwan ng Sining ng Pelikulang Pilipino. Magbabalik ang paboritong Film Fridays sa Intramuros! Isang gabi. Isang klasiko. Isang makasaysayang lugar.
Ngayong 11 Setyembre 2026 05:00 Hapon sa Teatro, Fort Santiago, muling mabubuhay ang obra-maestra ni Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula Eddie Romero (1924-2013, ginawaran 2003) – ‘Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon?’
Sa pelikula ay matutunghayan ang kuwento ni Nicolas na isang batang lalaki na pinabayaan ngunit natutong tumayo sa sariling mga paa. Habang siya ay naglalakbay, makikita ang paglalakbay sa buong Pilipinas – mula sa pagiging kolonya hanggang sa paghahanap ng sarili nating identidad. Hindi lang ito pelikula. Time machine ito pabalik sa Pilipinas noon.
Isipin na nanonood ka ng pelikula tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas habang nasa loob mismo ng makasaysayang lugar. Wala ng mas angkop na lugar kundi sa loob mismo ng mga pader ng Intramuros. Ang espesyal na screening na ito ay hatid ng Film Development Council of the Philippines (FDCP, nabuo 2002) at Intramuros Administration (IA, itinatag 1979). Ang panonood ay libre!
Muling tuklasin ang isang klasiko at maranasan ang pelikulang Pilipino sa lugar kung saan mismo sumulat ng kasaysayan natin.
