Nagdaos ng isang press briefing ngayong araw, Mayo 25, 2026, ang isang bagong grupo ng mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero upang panawagan sa Department of Justice (DOJ) na muling imbestigahan ang kontrobersyal na kaso.
Hiling ng grupo na isama sa bagong imbestigasyon ang iba pang mga personalidad, partikular na ang “Patidongan brothers.”
BASAHIN: BAWAL NA ANG PA-CUTE? PLATAPORMA AT DEBATE, GUSTONG GAWING MANDATORY PARA SA LAHAT NG KANDIDATO
Sa kasalukuyan, ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang natatanging sentral na pigura na nahaharap sa isinasagawang pag-uusig o prosecution ng pamahalaan.
Ayon sa mga pamilya, nais nilang mapalawak ang pagsisiyasat upang matukoy kung may iba pang mga utak o kasabwat sa likod ng pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.
Matatandaang mahigit 30 sabungero ang misteryosong nawala noong 2021 hanggang 2022, na hanggang ngayon ay patuloy na humihingi ng hustisya ang kani-kanilang mga pamilya.
