May 6, 2024

ATTY. KING ECHIVERRI NAGALAK SA MAINIT NA PAGSALUBONG NG MGA TAGA-CALOOCAN

IKINATUWA ni Atty. KingJohn Echiverri ang mainit na pagsalubong na kanyang natanggap mula sa libo-libong residente ng Caloocan City.

Labis ang kanyang galak na libo-libong residente ng Caloocan ang nag-abang at sumama sa motorcade ng ‘Team Bughaw’ sa pangunguna ni Big Guy Egay Erice na tumatakbong mayor sa naturang lungsod.

“Maraming salamat sa mga sumuporta, sumalubong at sumama sa ating motorcade kahapon. Nakakataba po ng puso tuwing nakikita po natin na mainit ang inyong pagtanggap sa amin,” ayon kay sa Facebook post ni Echiverri.

“Lalo po kaming nabubuhayan ng loob at kayo po ang aming inspirasyon. Kayo ang aming lakas. Tuloy-tuloy po tayo at walang bibitiw!” dagdag pa nito.

Si King Echiverri ay tumatakbong konsehal sa naturang lungsod.