April 28, 2024

ATLANTA HAWKS, DINAGIT ANG NEW YORK KNICKS, 105-94

Nagtala ng double-double si Trae Young upang akayin sa panalo ang Atlanta Hawks. Dinagit ng Hawks ang New York Knicks, 105-94 sa pivotal Game 3 ng NBA playoffs East Round 1.

Kaya naman, lamang na sa series ang Hawks sa kartadang 2-1.

Nagtala si Young ng 21 points at 14 assists. Nag-ambag naman si Bogdan Bogdanovic ng 15 points, 7 boards at 3 assists.

Inakay naman ni Derrick Rose ang Knicks sa itinala nitong 30 points, 6 boards at 5 assists. Si Julius Randle naman ay naglista ng 14 points, 11 boards at 2 assists.

Medyo nakakaporma pa ang Knicks sa first half. Subalit, iniwanan na ng Hawks sa second half. Katunayan, inalagaan ng Atlanta ang 14 points nilang kalamangan.

Kung kaya, kahit na nagtangka ang New York na humabol, di rin umubra.