May 15, 2024

ATENEO LADY EAGLES, UMUSAD SA FINAL 4 MATAPOS DAGITIN ANG ADAMSON LADY FALCONS

Nanaig ang Ateneo Lady Eagles sa Adamson Lady Falcons sa stepladder match ng UAAP Season 84 women’s volleyball. Dinagit ng defending champion ang Adamson, 25-20, 28-26, 25-22 sa MOA Arena.

Kaya naman, sumampa ang Ateneo sa ‘Final 4’ ng torneo. Haharapin nito ang UST Lady Tigresses sa knockout game. Idaraos ang laro ng dalawa sa Martes sa ganap na alas 6:30 ng gabi.

Pagkakataon sanang i-extend ng Adamson ang laro sa fourth set. Ito’y dahil sa lamang sila, 22-21. Subalit, bumira ng 4-0 blasts ang Ateneo. Nanggaling ang 4 points sa tig-2 nina AC Miner at Faith Nisperos.

When we won against UP and nanalo ang Adamson sa La Salle, sabi namin, we just have to win it clean para convincing,” saad ni Ateneo coach Oliver Almadro.

Bumida sa opensa ng Lady Eagles si Nisperos na nagtala ng 22 points sa 18 attacks. Kasama na rito ang 2 blocks at 2 service ace at 10 excellent receptions. Nag-ambag naman si Miner ng 16 points sa 12 kills, 2 blocks at 2 aces.

Binuhat naman ni Trisha Genesis ang Lady Falcons sa naiposteng 13 points. Habang si Lucila Almonte ay mayroong 9 points. Sina Rizza Cruz at Aliah Marce ay mayroon namang tig-7 points.