
Aprubado ng Commissioner’s Office ang one-on-one trade na ikinasa sa pagitan ng dalawang PBA teams. Ito ay ang San Miguel Beermen at NorthPort Batang Pier.
Involved sa nasabing palitan sina 2013 MVP Arwind Santos at ‘Muscle Man’ Vic Manuel.
Ang 40-anyos na si Santos ay tumagal ng 12 taon sa Beermen. Kung saan ay nakasungkit siya ng 9 championships.
Si Manuel (34) naman ay kagagaling lang sa isang trade sa pagitan ng Phoenix Super LPG at NorthPort. Nakasama siya sa trade kasama si Sean Anthony, Sean Manganti at Michael Calinisan. Kasama rin dito ang 2021 second round pick.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT