PINURI at binigyan parangal ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cecar M. Chong si AP03 Joselito G. Mutya na nakapagserbisyo na ng 30 taon.
Ibinigay ang Certification of Appreciation kay Mutya nitong September 30, 2022 sa MIAA Administration Building, Pasay City dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho sa MIAA.
Ayon kay Chong, mararapat lamang na siya ay pasalamatan sa sakripisyo at katapatan sa paglilingkod para sa bayan.
Umaasa din ang general manager na tutularan ito ng iba pang empleyado sa MIAA ang magandang katangian ni Chong para sa ikabubuti ng lahat.
More Stories
Armscor unveils RIA Defense brand aimed at military and law enforcement market
CONG. TIANGCO: PAGSISIKAP NG GOV’T KONTRA ONLINE CHILD ABUSE, HIGITAN
3 lalaki na nasita sa ordinansa, kulong sa P125K droga