Swak sa kulungan ang isang 55-anyos na lolo matapos umanong paghihimasin ang maselang bahagi ng katawan ng dalagita niyang apo sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Valenzuela Police Women’s and Children Protection Desk (WCPD), dakong alas-3 ng madaling araw nang paulit-ulit umanong hawakan ng suspek na itinago sa pangalang alyas “Roman” ang maselang bahagi ng katawan ng biktima na itinago lang din sa pangalang “Sara”, 13-anyos, student sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Malanday.
Nang dumating ang kanyang ina sa kanilang bahay dakong alas-3 ng hapon, sinabi ng biktima ang kalbaryong sinapit niya sa kamay ng suspek na naging dahilan upang i-report ng mag-ina sa Barangay Malanday ang insidente.
Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation si PSMS Roberto Santillan, nakatalaga sa Pulis sa Barangay (PSB) ng Valenzuela Police Sub-Station 6 at tanod na si Joselito Estillore Bitara na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-4 ng hapon.
Kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 ang isinampa ng WCPD kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA