November 3, 2024

ANGELOU KOUAME, GANAP NG PINOY, HB 8632 GANAP NG BATAS

Sa wakas, masayang nasambit ni Angelou Kouame ang katagang " Pre, Filipino ako!"
Kaya naman, pwede nang maglaro ang dating Ivory Cost o  Ivorian player sa Gilas Pilipinas.

Sa wakas, masayang nasambit ni Angelou Kouame ang katagang ” Pre, Filipino ako!”

Kaya naman, pwede nang maglaro ang dating Ivory Cost o Ivorian player sa Gilas Pilipinas. Sasalang ang Gilas sa Clark window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa June 16-20.

Ito’y matapos pagtibayin ni Pangulong Duterte ang naturalization ng Atenean cager na maging batas.

Pinasalamatan naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang Pangulo dahil sa paglagda ng bill upang ganap na maging law.

“The SBP extends our appreciation to President Rodrigo Duterte for signing it into law.”

” And also to Executive Secretary Salvador Medialdea and Senator Bong Go for their assistance,” sabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio.

“Kami sa SBP ay naniniwalang ika’y lalaban Para sa Bayan. Maligayang pagbati, Kabayang Ange Kouame!”ani pa ng SBP.

Nakatuntong sa Pilipinas si Angelou Kouame sa edad na 18-anyos. Isinulong ni Rep. Robbie Puno, prinsipal sponsor ng House Bill No. 8632 para sa naturalization nito.

Nakapasa ang bill noong Pebrero 16, 2021. Si Sen. Angara naman ang nagsulong ng Senate Bill no. 1692 sa senado. Ito ang counterpart ng upper chamber ng HB no. 8632.

Pinagtibay naman ang third reading ng bill noong March 15, 2021.