sang beteranong diplomat ang bagong hinirang bilang tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA)! Siya ay walang iba kundi si Ambassador Angelica Caraos Escalona, ang bagong mukha at boses ng ahensya sa mga isyung pandaigdig at diplomatikong usapin.
Sa kanyang unang pakikiharap sa mga miyembro ng diplomatic press corps noong Biyernes, Agosto 1, taos-puso siyang nagpasalamat kay DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro sa tiwalang ibinigay sa kanya.
“To our press corps, you have my full support. I am here for you,” ani Escalona. “Kasama ng Office of Public Diplomacy, sisiguraduhin naming makatatanggap kayo ng tama, malinaw, at napapanahong impormasyon.”
Hindi basta-basta ang karanasan ni Escalona — halos buong mundo na ang kanyang napaglingkuran sa ngalan ng bayan!
- Toronto, Canada (2023–2025) – Consul General
- Manado, Indonesia (2022–2023) – Consul General
- Honolulu, Hawaii (2018–2022) – Deputy Consul General
- Tokyo, Japan (2009–2011; 2012–2016) – Political at Cultural Officer
- Jakarta, Indonesia (2001–2007) – Political Officer
Bukod pa diyan, naging Executive Director din siya ng DFA Office of Consular Affairs, at humawak ng sensitibong posisyon sa mga tanggapan para sa ASEAN, European, Asian, at American Affairs.
Si Escalona ay nagtapos ng Master of Arts in Foreign Affairs and Trade mula sa Monash University sa Australia, at may Bachelor of Arts in International Relations mula sa Tsukuba University sa Japan.
Marunong din siya ng Nihongo, matapos dumaan sa Japanese Language Program sa Tokyo University of Foreign Studies bilang Monbusho scholar.
Ayon sa DFA, si Escalona ay isang “avid traveler since her youth” — at ngayon, handa na raw siyang suungin ang bagong hamon bilang boses ng DFA sa gitna ng umiinit na isyung global.
