USIGIN, sana kayo ng inyong kunsensya! Mga boss natin na tila sobrang manhid na at kinapalan na ang mukha na akala mo mga untouchables. Inabuso na ng sobra ang kanilang kapangyarihan at parang pag-aari nila ang Pilipinas.
Ang DILG pilit pinagtatakpan at pinipilit ang mamamayan na kalimutan na ang “Flood Control Scam”, at pinapalitan ng mga isyung pangtakip sa mga kanilang kasalanan sa bayan.
Ang mga tunay na pasimuno ng pandarambong sa kaban ng bayan, hindi napaparusahan! Upang pagtakpan ang kanilang pagkakasala, binuksang muli ang impeachment case laban kay VP Sara Duterte, at sinimulan ng ICC ang Confirmation of Charges upang muling mapag-usapan.
Habang kumakalam ang sikmura ng mga Pilipino mga Cabalen, nagkakanya-kanya na ng paraan ang mga magagaling nating mambabatas at pinuno kung sino ang kanilang magiging kakampi sa May 2028 national elections.
Si Pangulong Marcos Jr., personal na nagpunta pa sa Naga City, upang dalawin daw si dating Vice President Leni Robredo.
Sa inyong palagay, naniniwala ba kayo na ang pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. kay Robredo ay para sa kapakanan ng mga taga-Naga at hindi para kumbinsihin ang ngayo’y mayor ng Naga City na kampihan at tulungan siya sa darating na pambansang eleksyon?
Inaaalipin na nga ang mga Pilipino, ginagawa pa talaga tanga ng malakanyang. Maawa naman kayo sa mga Pilipino.
Habang ang mga kaalyado ni PBBM ay abalang kumikilos para gibain ang kanyang mga kalaban at ganun din naman sa kalabang kampo, walang katapusan ang labis-labis na pamumulitika sa bansa.
Maliban pa dito, gumawa pa ng eksena sa North Expressway si Gov. Daniel Fernando, na akala mo eh pinuno ng mafia na inokupa ang ang apat na linya ng NLEX.
Mismong presidential son hindi makadaan dahil siya ang sakay ng convoy?
Ang kapal ng mukha ng artistang laos na ito. Matagal nang nabobola ang mga Bulakenyo.
Dapat nang magising ang mga botante. Para makaahon sa pagdurusa ang mga Pilipinong matagal ng naghihikahos, habang nagpapasasa sa kaban ng bayan ang mga walanghiyang pulitiko.
Si Gov. Fernando, apat na sasakyan ang hinarang sa NLEX, habang ang ordinaryong Bulakenyo, kahit tricycle wala.
Nagmamakaawa pa para makakuha ng ayuda mula sa kapitolyo? Ang sarap naman ng buhay mo!
Ang mga mafia sa gobyerno ng Pilipinas mula Malakanyang at mga departamentong nasa ilalim ng kumpas pangulo ng bansa na walang tinag at walang pakialam sa mga kumakalam na sikmura ng mga Pilipino.
Lahat sila tumatanggi na kasabwat sa pinakamalaking uri ng pandarambong sa bansa!
Lahat sila hindi tumanggap at hindi nagpagamit sa mga pasimuno ng Flood control anomaly.
Sana ay patulugin pa kayo ng inyong mga konsensiya.
Kalimutan na daw muna natin ang usapin tungkol sa anomalya ng flood control ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla at PCO Usec Claire Castro para mabigyan ng daan ang mga mas malalaking problema sa bansa.
Bakit? May napanagot na ba kayo? Wala pa naman hindi ba? Kahit po takpan ninyo ng malalaking isyu ng inyong kalaban ang flood control scam, hindi ninyo mapapawi ang galit ng mga Pilipinong hirap na hirap na at wala man lamang natamong ginahawa mula sa mga mafia ng gobyerno ng Pilipinas.
