December 23, 2024

ANG APAT NA ANGHEL SA ILOG EUFRATES!

Sinu-sino raw ba ang binabanggit na apat na anghel na nakatali na pinakawalan sa Ilog Eufrates? Ito’ y dahil sa ang ika- 6 na anghel na may tangang trumpeta ay ginawa ang mga bagay na iyon. Na nakita at narinig ni Apostol Juan sa kanyang pangitain. May tinig kasi na nag-utos mula itaas na gawin iyon ng anghel. Ito ay nakasaad sa Apocalipsis 9:13-15.

Literal ba na mga anghel sa langit ang tinutukoy sa naturang talata? Hindi po. Sila’y mga taong makapangyarihan ng mga nasyon sa silangan. Ang ika-6 na trumpeta kasi ay sumasaklaw sa yugtong mula noong World War I at II hanggang sa taong 1959. Ang panahong ito ay tinatawag na “second half our cycle” siyang panahon kakalagan ang naturang mga apat na anghel.

Samakatuwid, sumasaklaw din sa dalawang yugto ng tig- 20 taong pagkaaba ng pisikal at espirituwal na pagpapahirap sa mga taong sumasampalataya o sa mga Cristiyano. Ang halos katumbas ng dalawang “May Kalahating Oras” na panahon ay sumasaklaw sa 40 taon mula 1919 hangang 1959. Ang tinutukoy naman na Eufrates ay katumbas ng relihiyon sa espirituwal na paliwanag.

At dahil sa kinalagan ang karapatan at kapangyarihan ng apat na makapangyarihang tao na sumasagisag sa 4 na anghel, sila ay may kakayahang gawan ng kaabahan ang sangkatauhan dahil sa kani-kaniyang paniniwala, ideyalismo, kultura, at prinsipyo.

Sila kasi ay nahahanda o kasangkapan sa isang digmaan na kung saan ay magpapaaba sa sangkatauhan. At dahil nga sa digmaan, 1/3 bahagi ng sangkatauhan ang mapapatay. Sinu-sino ba sila? Ating sangguniin ang kasaysayan kung sinu-sino ang apat na anghel na ito.

Tingnan natin kung sino-sinu ang mga pinuno o diktador na gumawa ng matinding pagpaslang sa pagitan ng taong 1917 hanggang 1959. Sina Vladimir LeninJoseph StalinAdolf Hitler, at Mao Zedong ang naitala ng may pinakamaraming mass murdered noong kapanahunan nila.

May kabuuang 17 milyon ang kay Lenin, 62 milyon kay Stalin, 21 milyon kay Hitler, at 35 milyon kay Zedong.  Kapag pinagsama-sama ng lahat ang kanilang pinapatay, may kabuuang 135 milyong katao. Ayon sa World Cencus, may 3 bilyong katao ang populasyon ng ating daigdig noong katapusan ng dekada 50.

Kung lilimiin, ang naturang bilang porsiyento ng mga taong namatay sa kamay ng apat ay naglalaro sa 1/3 katao. At ang kabuuang hukbo o army na sangkot na kabilang sa sandatahan ng apat ay pumapalo sa 200,000,000 milyon gaya ng nasusulat sa talatang 9:13-19.