April 30, 2024

ANDREA TORRES, AYAW BAWASAN ANG MALULUSOG NA DIBDIB

PHOTO: CBG

Balewala na lamang kay Andrea Torres ang patuloy na pagtanggap ng mga pang-aalaska dahil sa kanyang mga malulusog na dibdib.

Katunayan ayon sa 31-year-old actress, kailanman ay hindi niya ikinonsidera man lang na pabawasan ang kanyang dibdib sa kabila ng pressure lalo na sa pagmo-model.

Gayunman, natutunan niya na ring mahalin ang bawat bahagi ng kanyang katawan na bigay ng Diyos at hindi na papatol pa sa mga kritiko.

Actually hindi ko naman naisip na pabawasan siya before. Although, naalala ko nung nagmo-model pa lang ako, kasi more of petite di ba? Naalala ko parang tina-try talaga namin na hindi siya masyado mapansin, ganyan,” saad nito sa pep.

Kung maaalala, si Andrea ang huling long time girlfriend ng naging kontrobersyal na si Derek Ramsay na ngayon naman ay engaged kay Ellen Adarna na isa ring sexy actress.

Samantala, kung nasa acceptance stage na si Andrea sa iniintrigang dibdib, umamin naman ang noo’y sexy star na si Maui Taylor na nais na niyang ipatanggal ang silicone sa kanyang dibdib.

Habang si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ay naisip pa lamang ngunit wala pang pinal na desisyon kung papabawasan ang agaw-pansing dibdib.