Tinalo ni UFC icon Anderson Silva si Julio Cesar Chavez Jr sa kanilang boxing showdown sa Estadio Jalisco, Mexico. Wagi ang 46-anyos na Brazilian fighter via split-decision. Pumabor ang tatlong judges kay Silva at ibinigay ang 77-75 ng bawat isa sa kanila.
Ang totoo, naging pro boxer muna sya bago sumalang sa UFC. Nagdebut siya sa pro boxing noong 1998.
Kaya, hindi nawala ang tikas niya bilang boxer. Ginamit ng binansagang ‘ The Spider’ ang kanyang trademark na showboating. Pagkatapos ay inunti-unting palambutin ang batang si Chavez, 35-anyos.
Isang malakas na uppercut ang ipinatama niya kay Chavez. Na naging dahilan ng pagkawala sa wisyo nito hanggang sa nalalabing minuto ng Round 8.
Marahil, naging dahilan ng pagpapababa ng timbang ni Chavez ang paglambot ng kanyang sistema. Katunayan, nagmulta ito ng £72,000 fine na ibinayad kay Silva.
Ang panalo ni Silva ay kauna-unahan niya sa pro boxing matapos ang 16 na taon.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!