May 12, 2024

ANCAJAS, BINATO NG BOTE NG TRAINER NG KA-SPARMATE

Nagkainitan si IBF world super flyweight boxing champion Jerwin Ancajas at ang kampo ng kanyang sparmate. Nag-ugat ito ng makorner ng Pinoy pug ang kanyang ka-sparring.


Makikita ito sa video na ipinost ni Eumir Felix Marcial sa YouTube. Nang makaatras na si Ancajas para makarecover ang ka-sparring, nagpatama pa ito ng left hook.


Na naging dahilan upang mapasalya sa corner ng ka-sparmate. Dahil dito, binato siya ng bote ng trainer ng ka-sparring. Gayunman, nagpaliwanag si Ancajas kaugnay sa nangyari.