May 12, 2024

Anak nina Triple H at Stephanie McMahon,nagti-training na para maging pro wrestler

Inihayag ni WWE chief brand officer na si Stephanie McMahon, 43-anyos,  na nagsasanay ang kanyang anak upang maging wrestler.

Si Stephanie ay anak ni WWE Chairman at CEO Vince McMahon at kapatid ni Shane McMahon.

Ibig ng kanyang 13-anyos na anak na si Aurora Rose Levesque na sundan ang yapak ng ama nitong si Triple H.

 “My eldest daughter has already started training.”

“I would encourage them to follow their passion and whatever they believe in as long as they work hard at it,” ayon sa misis ni Paul Levesque ( Triple H).

I believe in a strong work ethic and I believe they can do anything in the world they want to do but they are going to have to believe in themselves and work hard.”

Sina Stephanie at Triple H ay ikinasal noong October 25, 2003. Biniyayaan ang kanilang pagsasama ng tatlong anak.