May 2, 2024

Anak ni former New York Ranger’s star Barry Beck, patay sa saksak

Pinagsasaksak ang anak ni former Ranger’s star defenseman Barry ‘Bubba’ Beck. Ayon sa Hamilton Ontario police, nangyari ang insidente bandang alas 2:00 ng madaling araw malapit sa Binbrook, Ontario.

Natagpuan ng mga opisyal ang 20-anyos na si Brock Beck at ang isang hindi pa nakikilalang 16-anyos na sugatan.

Anila, fatally stabbed si Brock at idineklarang patay nang madala ito sa ospital.

Samantala, na-released na sa medical care ang 16-anyos na binatilyo. Ayon sa otoridad, pinaniniwalang ang mga suspek ay nakagitgitan ni Beck. Nagkaroon umano ng komprontasyon ito sa kanila sa driveway.

Hindi naman nagsagawa ng pag-aresto ang mga pulis dahil hindi nila alam sa ngayon ang motibo ng krimen. Hindi rin malinaw kung ilang tao ang sangkot sa insidente.

 “Why would someone stab him multiple times if not to kill him,”  ani Barry Beck sa Facebook.

“May god have mercy upon the assailants souls and may detectives find them before I do!”

Ayon pa sa ulat, nag-aaral ng mental health ang batang Beck sa Canadian college. Si Barry naman ay markado noon bilang hard-hiitng defenseman.

Kinuha ng Colorado Rockies si Barry bilang second overall noong 1977. Gumugol ito ng 7 seasons (1979-1986) sa Rangers ng National Hockey League ( NHL). Naging team captain din ito sa loob ng 6 na taon.