PATAY ang isang menor de edad na lalakeng biktima at ang amang suspek habang kasalukuyang ginagamot ang isa pang anak na menor de edad na babae at isang kapitbahay na nagtangkang sumaklolo sa dalawang biktima sa nangyaring hostage situation bandang 7:45 ng umaga araw ng lunes Octorber 27, 2025 sa Brgy. Sampaloc 4 ng Dasmarinas City, Cavite.
Kinilala ang nasawing biktima na si alyas “Kelvin “, habang nasugatan naman ang kanyang kapatid na babaeng si alyas “Kate”, mga menor de edad at si alyas Angeli, 30 anyos, na kapitbahay ng mga biktima, habang ang suspek naman ay nakilalang si alyas “Lin Jun,” 37 anyos, ama ng dalawang biktimang menor de edad.
Base sa report ng Dasmarinas City PNP, isang tawag ang kanilang natanggap galing sa isang concerned citizen na kapitbahay ng mag-a-ama para ipaalam ang nasabing insidente agad nagresponde ang mga awtoridad at sinubukan pang kausapin ang suspek na may hawak na kutsilyo para itigil ang ginawang pangho-hostage sa kanyang mga anak subalit sa kabila ng negosasyon ay ipinagpatuloy ng suspek ang karahasan na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong biktima sa loob ng bahay dahil sa nangyari ay napilitan ng magpapaputok ng baril ang mga pulis para mailigtas ang mga biktima na ikinasawi ng suspek.
Dead on the spot si alyas “Kelvin” habang malubhang nasugatan sina alyas “Kate” at “Angelyn” na dinala sa Pagamutan ng Dasmarinas para malapatan ng lunas.
Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang katotohanan at dahilan sa likod ng nangyaring panghohostage ng suspek na ikinasawi at ikinasugat ng kanyang dalawang anak at kapitbahay. (KOI HIPOLITO)
