May 4, 2024

Ama, ina kinatay ng buryong na anak

TODAS  ang mag-asawa makaraang harabasin ng taga ng 28-anyos na anak sa Barangay Pampang, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga biktima na sina Ruben Baltazar, 68-anyos at asawang si Nora Baltazar, 65-anyos.

Ang suspek ay ang anak nilang si Iryb Baltazar, 28-anyos, isang magsasaka sa kanilang lugar.

Nasa kasarapan ng tulog ang mag-asawa kasama ang isang anak na babae na si Shayra sa sala nang bigla na lang silang pinagtataga ng suspek.

Nakatakbo si Shayra at nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Mabilis na dinala sa ospital ng mga saksing kapitbahay ang mag-asawang Baltazar  ngunit sila’y binawian ng buhay.

Naaresto naman ang suspek at kinasuhan ng parricide at frustrated murder.