May 17, 2024

ALYSSA VALDEZ, IKAKASA ANG VIRTUAL FOOTBALL AT FUTSAL TIFF

Ikakasa ni volleybelle Alyssa Valdez ang Allianz PNB Life Virtual Football and Futsal Mastery Challenge. Katunayan, nag-anyaya ito sa mga may skills nang naturang sport na sumali.


Hinikayat nya ang gustong lumahok na magregister. Kung saan, kakatawan sila sa kanilang school.

Kapag nakalusot, sasalang sila sa regional tiff. Kahapon nagtapos ang deadline ng pagpapa-rehistro.
Ang Top 5 winners per Clustered Region ay iimbitahan sa National Finals Round.

Ang pagkamada sa nasabing patimpalak ay tanda na mahilig din si Valdez sa larong football. Samantala, balik aksyon naman si ‘The Phenom’ sa muling pagpalo ng PVL Open Conference sa March 16. Lalaro siya sa Creamline Cool Smashers na nasa Pool B Bracket ng nasabing torneo.