January 26, 2025

Alyansa ng US at Pilipinas pinag-usapan nina Locsin at US Secretary Blinken

KINUMPIRMA ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang post ni bagong US Secretary of State Anthony John Blinken sa kanyang twitter account hinggil sa naging pag-uusap nila ng kalihim ng DFA.

Partikular ang tweet ni Blinken na nagkaroon siya ng “great conversation” kay Locsin kung saan sumentro ang kanilang pag-uusap hinggil sa alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Locsin magkakaroon pa sila ng mga susunod na pag-uusap ng Secretary of State sa ilalim ng bagong administrasyon ni US President Joe Biden

Ipapaabot umano ng kalihim kay US president Joe Biden ang kanilang napag-usapan ni Blinken at nagpapasalamat ito sa tawag sa telepono ng US Secretary of state.

Samantala sinabi ni Locsin, sa ngayon ay kailangan niya munang sumailalim sa quarantine matapos na ma-expose sa ilang kasamahan sa DFA na nagpositibo sa COVID-19.

Dagdag pa nito bagamat negatibo aniya ang resulta ng kanyang COVID test ay isasailalim muna sa lockdown ang main building ng DFA hanggang Martes kung saan sila ay muli ring sasailalim sa COVID test. (Balita ni RUDY MABANAG)