May 9, 2024

ALEX EALA, WAGI SA KANYANG WIMBLEDON DEBUT SA LONDON

Impresibo ang debut ni Alex Eala sa Wimbledon Championships matapos likidahin si Solana Sierra. Tinigpas ni Eala ang Argentinan netter sa iskor na 6-2, 6-4 sa laro na idinaos sa All England Club sa London.

Tinapos ni Eala ang long pivotal sixth game sa second set na may 4-2 lead. Kung kaya, nasungkit niya ang panalo sa laro na tumagal nang isang oras.

Nagawa pang rumatsada ni Sierra mula sa 1-3 pagkakabaon sa 2nd set. Katunayan, naikasa pa nito ang backhand winner upang itulak ang second breakpoint oppurtunity sa match.

Katunayan, nailapit pa ni Sierra ang iskor sa 2-3. Pero, muling nakuha ni Eala ang momentum sa long sixth game. Ang 16-anyos na si Eala ay nasa rank no.3 sa kanyang division.

Susunod niyang makahaharap si Ane Mintegi Del Olmo ng Spain sa next round.