May 6, 2024

ALEX EALA, SUMAMPA SA QUARTERFINALS NG W25 MADRID TOURNEY

Sumampa si Alex Eala sa quarterfinals sa W25 Madrid tournament sa Ciudad de la Raqueta sa Spain. Makakaduwelo niya ang kanyang doubles partner Alice Robbe ng France.

Winalis ng 17-anyos na Pinay tennis star si No. 4 seed Xiao You ng China. Hindi nito pinaporma ang karibal, 6-4, 6-2 sa 2nd round ng singles tournament. Nagpamalas ang WTA World No. 419 ng 4-1 start sa first set. Tinapos nito sa isang upset ang world ranked No. 296 na si You.

Ang makakatapat niya naman sa next round na si Robbe ay No. 8 seed. Dinaig nito si Marta Soriano ng Spain, 6-3, 6-4. Ang dalawa ay mag-tandem sa doubles tournament ng nasabing torneo.