
Dinomina ni Pinay teen netter Alex Eala ang Romanian opponent na si Laura Ioana Paar, 6 (6)-7, 6-1, 6-0 sa second round ng 2021 ITF World Tennis Tour W60 tournament sa Bellinzona, Switzerland.
Ginamit ng 15-year old ang momentum sa second set. Dahilan upang mamuro sa deciding set.
Naging maganda ang simula ng match para kay Eala. Katunayan, ikinasa nito ang 3-1 sa onset. Gayunman, nakaporma ang Romanian netter.
Kung kaya, naitulak ang laban sa tiebreak.
Nagtala ng 3-0 lead si Paar sa tiebreak. Pero, nakahabol ang Pinay sa pagtatala ng 6.
Malaki rin ang naitulong ng 67 percent valuable points ni Eala. Dahilan upang kunin ang 9 sa kanyang right serves.
Nangamote naman si Paar sa kanyang serves. Dahil sa panalo, haharapin ni Eala ang hometown bet na si Simona Walbert sa Round of 16 bukas.
