Matagumpay na naisagawa ng Assistant Chief of Command Staff (ACCS) for CMO, C7 sa ilalim ng Air Installation and Base Development Command (AIBDC) noong ika-20 ng Nobyembre taong kasalukuyan ang kanilang programa sa Campus Peace and Development Forum (CPDF) na naglalayong palakasin at palawakin ang kaalaman ng bawat indibidwal tungkol sa nasabing programa. Pinangunahan ni LTC NUR-GAJIR J SAHA, PAF (GSC) ang pagtalakay sa programa, kung saan binigyang-diin ang mga natatanging kontribusyon ng bansa at ang kahalagahan ng West Philippine Sea (WPS).
Sa pamumuno ng ACCS for CMO, C7, isinagawa ang makabuluhang programa sa 10 Baitang ng Sto. Niño National High School. Isa sa pangunahing layunin ng aktibidad ay makapagbigay ng kaalaman hinggil sa kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS) at sa People’s Republic of China. Sa pamamagitan ng kanilang pakikiisa, naipakita ng ACCS for CMO, C7 ang buong suporta nito sa adhikain ng yunit upang makatulong sa mga kabataan na maging mulat sa mga pangyayaring nagaganap, hindi lamang sa loob ng bansa kundi pati na rin sa larangan ng territorial defense laban sa China.
Samantala, nagbigay rin ng makabuluhang mensahe si Gng. Marie Krisia P. Cadao, Science Teacher ng Sto. Niño National High School, tungkol sa kahalagahan ng nagawang aktibidad at sa papel ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa pagpapalaganap ng kaalaman.
Dagdag pa rito, ipinahayag ng Sto. Niño National High School ang kanilang taospusong pasasalamat sa Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa isinagawang programa, na nagbigay-daan upang mamulat ang mga kabataan sa kasalukuyang pangyayari sa bansa at maibahagi ang kanilang natutunang kaalaman sa iba.
Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng pasasalamat ni 2LT IVY U. PAREDES, PAF, Executive Officer, C7, kay LTC NUR-GAJIR J. SAHA, PAF (GSC) bilang tagapagsalita ng araw na iyon, upang mas lalong maunawaan ng mga kabataan ang layunin ng programa. Kasabay nito, nagpasalamat din sa Sto. Niño National High School sa pamumuno ni Gng. Erzenia P. De Guzman, Ph.D., at sa lahat ng nakiisa sa aktibidad ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas. (PR)
