April 29, 2024

Agila ng Bayan Sports New Fast Track

Smart Hit List ‘Male Fighter of the Year 2020’ si De los Santos

Itinanghal na “Male Fighter of the Year” si e-kata James De los Santos. Kuminang ang world no.1 e-kata sa 3 karibal nito.

Ito’y bunsod ng karangalang ibinigay ni James sa bansa. Kung saan, nakasipa ito ng kabuuang 36 gold medals sa sinalihang mga online tilt.

Nakasungkit din siya ng 3 silver at 3 bronze medals. Nailuklok si James bilang no.1 e-kata player sa pagtipon ng 17,645 ranking points.

Sa kabuuan, nakasungkit siya ng 42 medals sa 52 tournaments sapol nang sumali noong April 2020.

Kai Sotto, sasalang sa NBA G League sa Pebrero

Nakatakdang sumalang ang Team Ignite at si Kai Sotto sa NBA G League debut sa Pebrero 2021.

Ang nasabing liga ay nasa ilalim ng bubble format bunsod ng COVID-19 pandemic. Ayon sa source na si Sham Charania ng The Athletic, bubuslo ang G League sa Feb. 8 sa Disney campus sa Orlando, Florida.

Na-meet din ng 7’2 ex-Ateneo Blue Eaglet si dating NBA player Tracy McGrady.

Imbestigasyon sa inorganisang New Year’s party ni Neymar

Iimbestigahan ng Brazilian procecutors ang ulat ng umanong inorganisang New Year’s mega-party.Na sinasabing ikinasa ni football star Neymar.

Ayon sa ulat, isinagawa ang pagtitipon sa luxury home nito malapit sa Rio de Janiero. Naalarma ang otoridad sa maaring maging bunga nito. Lalo na’t may ipinatutupad na public health measures.