November 23, 2024

ADOLF HITLER, TAGA-HANGA NI CHARLIE CHAPLIN

Si Adolf Hitler, para sa iba ay para bagang napakasama ng tao lalo na sa hindi nakakakilala ng husto sa kanya. Natural lamang iyon dahil markado ang Nazi lider sa pagiging malupit noong World War II, dahil sa ginawa nitong ‘holocaust; o pagpapatay sa milyong Hudyo.

Pero, sa mga taong malapit sa kanya, si Hitler ay mahilig pala sa komedya. Mahusay magpatawa at nagsusuot ng mga anik-anik na damit at maglagay sa ulo nito. Ang isa sa hindi gaanong alam ng karamihan tungkol kay Hitler ay ang pagiging tanga-hanga niya ng mahusay na comedy actor na si Charlie Chaplin.

Si Chaplin ang dahilan kung bakit ginaya ni Hitler ang bigote nito at ang estilo ng gupit ng buhok. Paborito ring stuff toy nito ay ang bunny o kuneho at hair band na isinusuot nito sa ulo kapag nagpapatawa sa mga bata. Maging ang esposa ni Hitler na si Eva Braun ay nagpahayag na ang kanyang mister ay isang masayahing tao.

Ang nakikita raw kasi ng tao rito ay ang pagiging mabagsik nito sa mga kaaway. Ngunit, para sa mga taong mahal nito at malapit sa kanya (Hitler), ipinapakita ng Nazi leader ang soft side at pagiging palabiro at masayahing tao.

Isa sa nagawang pagpapatawa ni Hitler ay pagbibitbit nito ng baston at pagsusuot ng sumbrero at ang pagpipitik-pitik at pagpapadyak-padyak ng paa kapag naglalakad na parang si Chaplin. Kumakanta rin si Hitler na ang boses ay parang cartoon character na “The Chimpmunks’ at madalas nitong kasama ang alagang  aso na may pangalang Charlie.

Maging ang mga sundalong malapit kay Hitler ay batid ang soft side niya sa kabila ng hinuha ng karamihan na siya ay seryoso at mabagsik. Ngunit, mabait at palabiro sa mga taong malapit at mga kakampi niya.