September 14, 2024

GRAB drivers, hindi na mag-aabono para sa food orders sa Agosto

UPANG mabawasan ang insidente ng biglaang pagkansela at pang-aabuso, hindi na kailangan pang mag-abono ng mga rider ng GrabFood para sa mga delivery order ng kanilang kostumer.

Sa pagdinig ng House Committee on Trade and Industry noong Huwebes, sinabi ni Grab spokesperson and lawyer Nicka Hosaka, na imbes ang kanilang mga food deliver rider, ang kumpanya na mismo ang sasagot ng monetary online transaction sa isang bagong model na kanilang ilalatag sa Agosto.

“Moving towards August, we will implement this model whereby when the delivery partner reaches the restaurant, [he] does not need to bring out any cash or pay any cash. He will simply pick up the order,” ayon kay Hosaka.

Ayon kay Hosaka, diretso na ang bayad sa mga restaurant sa pamamagitan ng app, kaya’t hindi na kailangan pang maghintay  ng mga driver na ma-reimburse ang kanilang sariling pera. Kapag nai-deliver na ang mga order sa customer, ang makokolektang pera ay diretso na sa kanya.

“Everything is done online. Meron tayong mine-maintain na driver wallet, so kung ano ‘yung kokolektahin niya from the eater, ito ay made-debit sa kanyang wallet,” saad ni Hosaka sa komite.

Dagdag pa ni Hosaka, kung mangyari man na walang makolekta na bayad ang Grab sa customer  nito dahil sa no-show incident, walang  mababawas sa digital wallet ng mga driver.

We are just reversing [the process], it is already Grab who will advance it. One hundred percent of the monetary liability will now be on Grab,”  aniya.

(AGILA NEWS TEAM)