May 4, 2024

Pinoy adaptation ng Voltez V, kinasasabikan kung sino ang kabilang sa cast

Sa gitna ng coronavirus pandemic, kinasasabikan ng mga fans ang Pinoy adaptation ng sikat na anime na ‘Voltez V’. Palaisipan sa mga fans kung sinu sinong mga Kapuso celebrities ang kabilang sa cast nito.

May mga naglalabasang hinuha sa internet kung sinong mga artista ang kasama. Katunayan may mga photoshop na litrato at posters na na naglalabasan kung sino ang pwedeng kasama. Ngunit, nawala pang pahayag ang Kapuso network sa detalye tungkol dito at nananatiling sikreto muna ang  final line-up ng cast.

Palagay ng ilang fans, may ideya sila kung sino ang kasama at kung sino ang nais nilang mapabilang sa adaptation ng isa sa pinakasikat na robotic anime sa kasaysayan ng telebisyon.

Hinuha ng ilan, malamang na si ‘Pambansang Babe’ Alden Ricards ang gaganap bilang Steve Armstrong. May ilan naman na nagsasabing si Dingdong Dante sang gaganap.

Samantala, bet ng ilan na si Ruru Madrid, Jack Roberto at Dennis Trillo  ang gaganap sa papel ni Mark, Andrei Paras sa papel ni Big Bert, Miguel Tanfelix bilang ‘Little John’ at Bianca Umali bilang Jaime Robinson. Bet din ng iba sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara at Mikee Quintos na gumanap na Jaime.

Kaugnay dito, nagsagawa ng survey ang Agila ng Bayan sa mga respondent though social media kung sino ang gusto nilang mapabilang sa casts.

Kabilang sa napupusuan nilang gumanap bilang Dr. Armstrong si Ronaldo Valdez, Joni Gamboa bilang Dr. Smith, Michael ‘Bitoy’ V bilang Commander Robinson, Roy Vinzon bilang Dr. Hook, Mark Herras bilang Prince Zardo, Kate Valdez bilang Yda, Pen Medina bilang Dracu at Jeffry Quizon bilang Zul.

Kaugnay dito, nagpahayag naman ng interes si Michael V, avid fan ng Voltez V, na may memorabilia at action figures collections nito, na nais niyang mapabilang sa casts ng adaptation.