May 10, 2024

Adamson Lady Falcon’s libero na si Ponce, nilambat ng Cool Smashers

Bilang paghahanda sa resume ng Premier Volleyball League, nag-umpisa nang magpalakas ang Creamline Cool Smashers.

Katunayan, bawat position sa line-up ay pinunan nila ng matitikas na player. Kaya naman, nilambat ng team si Thang Ponce. Si Ponce ay volleybelle ng Adamson Lady Falcons.

Si Ponce ay hinirang bilang 2018 PVL Collegiate Conference Best Libero.

Pupunan ni Ponce ang naiwang posisyon ni Melissa Gohing na sumampa na sa Motolite. Dahil dito, naging isa nang super team ang Creamline.

Kabilang sa line-up ng Cool Smashers sina Open Conference Most Valuable Player Jema Galanza, Alyssa Valdez, Michele Gumabao, Risa Sato, Ella De Jesus at Jia Morado.

Sa ngayon ay nag-aabang lang ang PVL sa go-signal nmg IATF. Kapag pinayagan, magre-resume ang PVL at ikakasa ang 4th season ng PVL Open Conference.