May 13, 2024

ABS-CBN HOST DAPHNE OSEÑA PAEZ SUSUNOD NA PRESS SECRETARY?

Umugong ang balita na si dating ABS-CBN lifestyle show host Daphne Oseña Paez ang napipisil bilang bagong press secretary ng administrasyong Marcos.

Wala pang ibang lumalabas na detalye hinggil sa posibleng appointment ni Paez, pero ang isa sa posibleng dahilan ay ang pagiging malapit niya sa pamilya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang ama ni Paez na si Col. Delio Oseña ay ang piloto ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ayon sa artikulo na lumabas sa Philippine Star noong 2009, si Oseña ay naging diplomat sa Canada noong 1980s subalit hindi sila pinauwi ng kanyang pamilya sa Pilipinasnang mangyari ang 1986 People Power Revolution.

Sinuportahan ng 52-anyos na si Paez ang kandidatura ni Marcos noong 2022 presidential eelections.

Nagsimula ang career ni Paez sa telebisyon sa ABS-CBN bilang news reporter noong 1990s. Naging weather forecaster din siya sa “The World Tonight.

Mula 1999 hanggang 2006, nag-host si Paez sa lifestyle show na F! sa ABS-CBN kasama si Angel Aquino at Cher Calvin.

Matatandaan na nabakante ang posisyon ng press secretary simula nang bumababa sa puwesto si Atty. Trixie Cruz Angeles dahil sa health reasons noong Oktubre.