May 18, 2024

ABAP PRES. RICKY VARGAS AT SECGEN PICSON, SPECIAL GUEST SA PSA FORUM

Magiging espesyal na panauhin si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) President Ricky Vargas sa isasagawang webcast forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) bukas, Hunyo 30.

Ang isasagawang forum ay idaraos sa pamamagitan ng PSA Facebook page.

Bukod kay Vargas, dating Philippine Olympic Committee (POC) President at kasalukuyang PBA Board chairman, makakasama rin sa pulong si ABAP Secretary-General Ed Picson sa session na magsisimula sa ganap na alas 10:30 ng umaga.

Nananatiling nasa paghimay at nasa proseso ng maaaring maging kuwalipikado sa Tokyo Olympics ang boxing federation. Sa ngayon, dalawang Pinoy pugs pa lamang ang mayroong tiket na sumuntok sa olimpiyada sa katauahan nina Irish Magno at Eumir Felix Marcial.

Kaugnay sa olympics, nakansela ito dahil sab anta ng pandemya ng Covid-19 at isasagawa na lang sa susunod na taon.