November 23, 2024

Fil-Aussie kid, nalampasan ang world record sa 5,000 meter sa Sydney Athletics

Nalampasan ni Fil-Aussie Mia Guillergan ang world record sa 5,000 meters for 11-years-olds sa Manly Warringah Litte Athletics meet.

Ang nasabing torneo ay idinaos sa Narrabean track sa New South Wales, Australia. Unang iniulat ng Pinoyathletics.info ang tungkol sa competition.

Nagtala ng 17 minutes at 41.03 seconds ang 11-anyos na si Guillergan. Kung saan, may mabilis ng 18 seconds mark ni American Kathy Keirnan noong 1977.

 “I was so relieved because I have tried to beat it for a long time and I had gotten so close,” wika ng bata sa interview ng Australian newspaper na Daily Telegraph.

Mas mabilis din ang naitalang record ni Guillergan sa bronze-medal performance ni PH bet Joida Gagnao (17:52.16) noong 2019 SEA games sa Clark City Athletics Stadium.

Si Guillergan ay isinilang sa Australia noong 2009. Ang kanyang nanay si Anabel na taga-Oton, Iloilo. Ang kanyang tatay ayt si Robert Guillergan na nagpresenta sa PIlipinas sa 4X400 event noong 1962 Asian Games.

Ayon sa bata, ang kanyang lolo ang kanyang inspirasyon na halos makatuntong na sa Olympics. Nais niyang tuparin ang pangarap na iyon ng kanyang lolo.