September 19, 2024

BB UNCUT NI BB GANDANGHARI SA YOUTUBE, MAY BAYAD BAGO MAPANOOD SA HALAGANG $1.99

AMINADO si Bb Gandanghari na may bayad na ang pag-subscribe sa kanyang vlog na “Bb uncut,” pero maintain pa rin naman ang kanyang Bb Gandanghari YouTube.

Ang “Bb uncut” vlog ay patungkol sa mga nakaraan ni Rustom Padilla. Malalaman ninyo kung sino ang mga nakaulayaw at mga nakasama ni Rustom.

Ikinalulungkot ni Bb Gandanghari duon sa mga taong hindi makakapanood dahil nga sa may bayad ito. Ginawa niya ito sapagkat gusto niya na my peace of mind siya sa mga story na kanyang ilalahad sa Bb uncut. Ayaw niyang mapasukan ng mga trolls, nais kasi niyang maingatan ang integridad ng kanyang story sa kanyang vlogs.

Sa ngayon ay nag-umpisa na siyang ilahad ang lahat nang storya ni Rustom Padilla sa kanyang “Bb uncut” vlog sa YouTube, at aminmado maseselan ang kanyang ilalahad. Ayaw din niyang marami siyang naririnig na reaksyon pero hindi naman daw sila nanonood, kaya naging segurista lang si Bb Gandanghari sa kanyang vlog.