September 19, 2024

ISKO MORENO, MAY ‘K’ MAGING PRESIDENTE NG PILIPINAS AYON KAY DADDIE WOWIE ROXAS

SINO ang mag-aakala na sa mga mabubuting paglilingkod ni Mayor isko Moreno, ay magkakaroon ng malaking pagbabago ang Maynila? Noon walang naniniwala sa naturang alkalde dahil isa lamang siyang artista kaya marami ang hindi kumbinsido na kaya niyang gampanan na mabago ang Maynila. Pero ngayon, hero na ang tingin kay yorme na dati ay hinahamak ng mga kapwa niya politiko at mga taong hindi siya gusto.

Maging si Daddie Wowie, [manager ni Isko] hindi niya akalain na papasukin ni Isko ang politika. Aminado siya na ang gusto niyang marating ng kanyang alaga ay ang maging isang mahusay na artista, pero tinupad naman iyon ni Isko. Sa tulong ni Daddie Wowie, natupad ang pangarap ni Isko na maging isang mahusay na artista.

Pagiging Presidente ng Pilipinas? Noon duda si Daddie Wowie, kasi nga parang hindi niya kaya. Pero ngayon maipagyayabang na ni Daddie Wowie na kaya na niyang maging Presidente ng Pilipinas. Kita ni Daddie Wowie, ang pagiging sinsero nito sa paglilingkod sa kanyang mga constituents. Nagiging pangalawa na nga lamang ang kanyang pamilya, dahil mas prayoridad niya ang kanyang mga kababayan sa paglilingkod.