Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Linggo na humingi ng tulong ang aktres na si Sharon Cuneta kaugnay sa isang post sa social media ng isang netizen na nagbanta na gagahasain ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.
“Ms. Sharon Cuneta has brought this matter to my attention and has expressed her strong desire to file a criminal complaint against the person who posted the offending message in social media. I advised her that the identity of the person and his location should first be clearly established,” text ni Guevarra sa mga reporter.
Ayon kay Guevarra, lumalabas ngayon na tukoy na ng aktres amg pagkakilanlan ng lalaki na gumawa ng malisyosong post gayundin ang lokasyon, pangalan at address ng ang employer nito.
“Should Ms. Cuneta proceed to file a criminal complaint with the DOJ (Department of Justice), we shall verify the respondent’s identity and address for the purpose of giving him notice,” ani ng Justice Secretary.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Cuneta kahapon, Hunyo 20, ng umano’y quote mula sa isang lalaking nagngangalang Sonny Alcos na nagbabantang gahasain si Frankie.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?