November 24, 2024

Posibleng signs ng alien life, na-detect sa planetang Venus

Ipinahayag ng mga scientists na ang phosphine sa atmosphere ng planetang Venus ay senyales ng ‘presence of life’ rito.

Anila, posibleng may alien life sa naturang planeta na matatagpuan sa ulap nito.

Ang temperatura rito ay lagpas sa 860 degrees. Ang atmospheric pressure nito ay mahigit sa 100 times kaysa sa Earth.

Life on Venus? The discovery of phosphine, a byproduct of anaerobic biology, is the most significant development yet in building the case for life off Earth.”

“About 10 years ago NASA discovered microbial life at 120,000ft in Earth’s upper atmosphere. It’s time to prioritize Venus,” saad ni NASA administrator Jim Bridenstine.

Kahit na si Carl Sagan ay may suspetsa noong 1967, na may buhay sa atmospera ng Venus.Sinusugan din ng journal na Nature Astronomy ang pahayag ng presence of life sa Venus.