Nagretiro na si 2007 Sixth Man of the Year at Brazilian cager Leandro Barbosa. Pinost niya sa social media ang farewell message kaugnay sa kanyang retirement.
Si Barbosa ay hinablot ng Phoenix Suns bilang No.28 pick noong 2003 NBA Draft. Naglaro ng kabuuang 14 seasons ang binansagang “The Brazilian Blur”.
Ang iba pang tawag sa kanya ay “ Leandrinho” dahil sa kanyang pagiging maliit. Markado si Barbosa sa pagiging agresibo at pagiging outside shooter. Kaya rin nitong dumepensa at isa ring playmaker.
“I guess I am ready for a new beginning, a new road, nevertheless I will continue with the good old orange ball.”
“It is a great joy to announce my return to the Golden State Warriors as a PLAYER MENTOR COACH. I have no doubts I will feel right at home, after all, it was always like that as a player and it has been that way ever since.“
Mula Phoenix, napunta siya sa Golden State Warriors noong 2015 na nagkampeon kontra Cleveland Cavaliers.
Nakapaglaro rin sa Raptors, Pacers at Celtics si Barbosa. Huli siyang naglaro sa Phoenix noong 2017. Pagkatapos ay bumalik na siya ng Brazil at doon na naglaro.
Sa ngayon, kinuha ng Golden State ang serbisyo ni Barbosa bilang player mentor coach.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo