May 19, 2024

ANGEL LOCSIN, ‘DI TOTOONG HINIWALAYAN NA NI NEIL ARCE

CONFIRMED na hindi naghiwalay sina Angel Locsin at Neil Arce. Sakatunayan ay madalas na magkasama ang magkasintahan. Nakarating na sa dalawa ang kumakalat na balita, pero wala naman silang magawa.

Nagkaroon sila ng idiya nuong pansamantalang i-hold nila ang araw ng kanilang kasal, at doon na nagkaroon ng kani-kanilang mga tsismis. Pero wala naman palang katotohanan na hiwalay na nga sina Neil at Angel.

Nahihiya raw ang kampo ni Angel dahil pati si Bela Padilla na nanahimik ay nadamay sa isyu. Ang hiwalayan na nakikita sa YouTube, Instagram, at Twitter ay pawang mga fake news daw.