Maraming netizen ang nagpakita ng pagmamahal at suporta sa aktres na si Angel Locsin matapos lumabas ang kanyang mga photos na kitang-kita ang maraming idinagdag na timbang.
Sa larawan na kumakalat sa social media, makikita ang aktres na nakasuot ng dark green na shirt, nakapantalon at may dalang itim na backpack.
Agad namang nagpakita ang mga netizen ng suporta sa two-time FHM sexiest woman, na nagsasabing “wala na siyang dapat patunayan” dahil si Locsin ang “Darna” ng Pilipinas sa totoong buhay.
May mga nagsabi pa nga na si Locsin ang buhay na patunay na hindi sa timbang nasusukat ang totoong kagandahan.
“You’re such an [inspiration] especially to those plus-size women,” ayon sa isang netizen.
More Stories
VICO SOTTO SUSUNOD NA PANGULO (Suportado ni Vic Sotto)
TRILLANES NAIS GAYAHIN SI VICO SOTTO (Para sa pagbabago ng Caloocan)
4 na pulis sugatan sa engkuwentro sa Guinayangan, Quezon