UMAKYAT na sa mahigit 28,000 ang Coronavirus cases sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Biyernes ng hapon (June 19), umabot na sa 28,459 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 661 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 460 ang “fresh cases” habang 2011 ang “late cases.”
Sa NCR, nakapagtala ng 277 na fresh cases at 40 late cases.
Sa Region 7 naman ay mayroong 21 na fresh cases at 103 na late cases.
Labingapat na pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,130 na.
Ayon pa sa DOH, mayroong 288 pang gumaling sa nasabing sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 7,378 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM