Bilang preparasyon sa kanyang pagbabalik sa lona, nagsasanay si boxing legend Mike ‘Iron’ Tyson kasama si WWE legend Kurt Angle.
Naghahanda ang 54-anyos na boxer sa nalalapit na laban nila ni Roy Jones Jr, 51. Magtutuos ang dalawa sa eight-round exhibition bout sa Nobyembre.
Sapol noong Marso, nagti-training si Tyson sa ilalim ni MMA coach Rafael Cordeiro. Ngunit, hiingi rin ni Tyson ang tulong ni retired UFC champion Henry Cejudo. Gayundin ang pro wrestler na si Angle, 51-anyos.
Si Angle ay olympic gold medalist sa 1996 Atlanta Olympics. Naglabas ng picture ang wrestler sa Instagram kasama sina Tyson at Cejudo.
https://www.youtube.com/watch?v=0cyc06O6d4Y
“#SmartCups Ambassadors @henry_cejudo @miketyson and yours’ truly, at a training session today,” post ni Angle.
Ayon kay Cejudo, puspusan na ang training session ni Tyson. Katuayan, ipinakita sa video ang quick combinations at explosive footwork nito.
Pinayuhan ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo si Vice President Sara Duterte na sampahan ng kasong civil para sa damages at criminal na malicious prosecution ang mga taong nagde…
Ang matinding kampanya laban sa korapsyon—partikular ang imbestigasyon at pagpapanagot sa kontrobersyal na flood control projects scandal—ang pangunahing paksa na gustong marinig ng mga Pilipino sa ik…
Ligtas at walang anumang pinsala sa katawan na naisalba ng mga elemento ng Police Regional Office 5 (PRO-5) ang isang ina at apat nitong anak matapos silang gawing hostage ng sarili nilang ama sa kani…