November 24, 2024

Ang posibleng pinagmulan ng COVID-19 sa Pilipinas

NALAMAN na ng mga mananaliksik na Pinoy ang tatlong posibleng pinagmulan ng coronavirus infection sa bansa.

Sa inilabas ng medRxiv preprint website noong Martes, sinabi ng Philippine Genome Center na ang mga sumusunod na grupo ang maaring dahilan ng pinagmulan ng virus:

– The foreign tourists with travel history to China’s Wuhan City – the epicenter of the COVID-19 outbreak early this year — whose samples were collected in January

– Repatriated seafarers from the coronovirus-hit M/V Diamond Princess in Japan whose samples were taken in March

– Evacuated tourists and overseas Filipino workers who arrived in May from Europe and the Middle East whose samples were collected in June.

Ang una sa tatlong kumpirmadong kaso sa Pilipinas ay mga turistang Chinese na galing sa Wuhan. Nakitaan sila na positibo sa coronavirus noong Enero. Dalawa sa kanila ay bumalik ng China, habang ang isa ay namatay sa bansa nitong Pebrero.

Sa inilabas na pag-aaral noong nakaraang linggo, sinabi ng Research Institute for Tropical Medicine na ang gene sequence ng tatlong Chinese tourist ay kakaiba kung ikukumpara sa ibang sample na kanilang pinag-aralan. Ginamit din ang sequence date upang matukoy kung papaano kumalat ang coronavirus sa komunidad, paliwanag ng RITM.

Pero agad namang klinaro  ni Department of Health spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang naturang findings ay hindi konklusyon at dapat bigyang-kahulugan nang may pag-iingat dahil batay ito sa maliit na sample ng positibong kaso.

“We need to further study so that we can accurately say that the Chinese [tourists] weren’t the ones who spread [the virus] and that we had other sources of our infection,” she added.

Mula sa tatlong kaso, ang bilang ng nahawa sa Pilipinas ay umabot sa 100 sa kalagitnaan ng Marso.

Noong Pebrero 26, napauwi ng pamahalaan ang 440 crew member at pasahero mula sa cruise ship, na sumailalim sa 14-day quarantine sa Athlete’s Village sa New Clark City, Tarlac.

Ayon sa genome center, na nakita nila ang mga kaso ng community transmission sa mga pasyente na dinala Philippine General Hospital na kinuhaan ng swab samples sa pagitan noong Marso 22 hanggang 26, sampung araw matapos makumpleto ng mga evacuated seafarers at pasahero ang kanilang quarantine.

Ipinununto nito na ang PGH patient ay walang travel history sa bansa na may mga kaso ng community transmission, at hindi nalatantad sa mga kumpirmadong kaso noong Marso. Sinabi ng genome center na iminumungkahi ng mga ito na maaaring nakuha nila ang impeksyon mula sa mga hindi natukoy na mga kaso sa mga repatriated seafarer.

Ang mga natuklasan, na batay sa pagsusuri sa 1,335 SARS-COV-2 sequences, ay hindi sumailalim sa peer review, isang proseso na nagsasagawa ng mga resulta ng pag-aaral.

Ngunit binibigyang diin ng PGC ang pangangailangan na “patuloy na suriin at pagbutihin ang mga hakbang sa quarantine, testing at tracing na ginagamit upang maiangkop sa kasalukuyang sitwasyon ng pandemya.”

Nitong buwan lamang, nakitaan ng PGC ng mutated strain ng coronavirus mula sa isang maliit na sample ng positive cases na kinuha mula sa Quezon City noong Hunyo.

Ang bagong mutilation ng SARS-COV-2 virus na tinawag na G614 ay natuklasan ng international researchers na mas nakahahawa ngunit hindi sadyang malubha sa mga tao. Unang natuklasan ang G614 sa ilang bahagi ng Europa.

Sa ngayon ay umakyat na sa higit 200,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kung saan 3,173 ang patay at 133,460 ang gumaling.