June 16, 2024

JOED SERRANO, PINAAYOS ANG BAHAY NG DIOS SA MINALABAC, PILI, CAMSUR

MABIGAT ang pagsubok na dumating kay Joed Serrano, ito iyong time na nakabuntis ang kanyang partner na si Dud. Iyong kanyang nabuntis na girl ay taga Minalabac, Pili, Camsur. Minahal niya ang kanyang partner for almost 8 years. Masakit pero tinanggap niya ang lahat ng mga pagsubok na nangyari sa kaniyang minahal. Tinanggap niya dahil iyon ang tama; ang magkaroon ng pamilya si Dud.

Last September ay tuluyan naging Born Again Christian si Joed. Same din sa kinasama ni Dud, at hindi nagtagal ay nag-convert na rin siya. Nanganak last June 25 ang nabuntis ni Dud. Masakit, pero tinanggap niya ang lahat at nakayanan niya.

Dumating ang pandemic pero hindi nakalimot na tumulong si Joed sa mga naapektuhan habang nasa Baguio siya at ilalim ng lockdown. Isang araw habang siya ay nagdadasal, may bumulong daw sa kanya at sinabing “Kailan mo naman aayusin ang bahay ko?”

Iyon ang naging daan para ipaayos niya ang bahay ng Dios sa Minalabac. Nakonsensiya pa nga siya dahil inuna pa niya ang kanyang kalandian at kahibangan niya pero tinupad naman niya ang pangakong ipapaayos niya ang bahay ng Dios.