Wala na talaga akong masabi sa kapal ng mukha ng mga trapong magnanakaw sa mga pulitkong nakaupo sa gobyerno.
Si Senador Cayetano nahihibang na yata at saan kaya kinukuha nito ang kapal ng kanyang mukha at tayo pa ang gustong pagbayarin sa mga perang kinulimbat nila.
Tila wala ng kahihiyan at sanay na sanay na ang mga pulitiko na igisa ang mga Pilipino sa sariling mantika!
Sino naman ang di magagalit sa plano nito at taas noong ipinahayag sa plenaryo ng senado na puwede naman daw magbayad ang bawat Pilipino upang iahon ang bayan sa pagkalugmok sa kahirapan.
Nakakagalit talaga ang kakapalan ng mukha nito! Ibinigay na natin sa kanila ang ating braso , balak pa nitong lunukin tayo ng buo!
Kuwentadong kuwentado na senador kung magkano ang dapat nating iambag bawat isa! Tumataginting na P170,000 bawat isang Pilipino. Ikaw man ay bata, matanda, may trabaho o wala!
Ginawa pa nitong halimbawa ang ginawa sa bansang Korea na iniambag ang kanilang mga ari-arian sa kanilang pamahalaan para lamang makaahon sa pagkalubog sa utang.
Palagay na natin mga Cabalen na nais nating mag ambag , gaano kaya tayo kasigurado kung totoong ilalagay nila ang ating ambag sa tang kalalagyan.
Pero, malabo yan! Masyado nang ginagawang tanga ng mga pulitiko ang mga Pilipino. Senador, hindi po mga tanga ang mga Pilipino, mapagbigay at sadyang maunawain lamang.
Ang problema wala kang tulak kabigin sa mga nakaupong ito sa gobyerno. Nagsasalita lamang at nakikita anf baho ng kanilang kapwa Pilipino subalit sila mismo ay walang ginawa para iahon ang naghihikahos na mga Pilipino habang sila ay nakaupo at nanunungkulan sa kanilang termino.
Kapag naging minorya at hindi naaambunan ng biyaya magsisimulang siraan at kalabanin ang nanunungkulan sa kasalukuyan.
Iisa lamang ang likaw ng bituka ng mga iyan, mga Cabalen. Wala silang ginagawa para mapaganda ang estado ng pamumuhay ng bawat Pilipino.
Mag-isip na po tayo, mga Cabalen. Maawa tayo sa ating mga anak at sa buong sambayanan.
